Mangki at Ginebra

We’ve been together for more than eight years now and I can say that our feelings toward each other didn’t change a bit. Sa dinami-dami ng pinagkakasunduan namin, ng mga bagay na pinagsasaluhan, may isang bagay na itinuturing naming special. Kapwa kami Ginebra fans. Sa gaya kong die-hard at solid Ginebra, mahalaga sakin na yung partner ko, kasundo ko sa koponang sinusuportahan ko. Early part of our dating stage, I asked him if he’s a PBA fan. I was nervous then ‘coz his answer might change the way I feel toward him. “Baka mabawasan ang kilig..” “Baka magkabwisitan kami nito sa kalaunan pag di ‘to Ginebra..” “Baka Purefoods fan ‘to.. *!.”@;:#(?” Oo daw, nanunuod sya PBA. So ako naman, tanong ko which team. He asked me back. I said proudly, “Ginebra.” Nung sumagot syang Ginebra rin sya, tambling! Pasok sa banga! Mamahalin ko ‘tong taong ‘to, solb na ako Lord, thank you!

Mahalaga sakin na Ginebra fan din ang partner ko. Hindi puro harutan-dyowa lang. Hindi dyan iikot ang buhay nyo bilang magkasintahan at bilang magkaibang indibidwal. Lalong nagiging special sakin si Mangki dahil sa tuwing may Ginebra game, hindi problema ang panunuod ng live, o kahit sa tv set lang. We cheer together, we laugh together. Pag panalo ang Ginebra, celebration. Pag talo, taga-abot ko sya ng baso ng tubig para aluin ako sa pagkabigo. Mahalaga sakin yung wala akong tinatanggap na pang-aalaska. Ipagpapalit ko ang dyowa sa Ginebra. Pero ang Ginebra, di ko kayang isantabi. Para sakin, wala na akong mahihiling pa. Sa ngayon, hindi ko sila pareho kayang i-give up. Mahal ko pareho at mahalagang bahagi ng buhay ko. ❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s